Concepcion, sabak sa Singapore Age group
MASISILAYAN si Philippine young chess wizard Jasper Concepcion Faeldonia sa Singapore sa pagnanais na mas mapaganda ang kanyang world ranking bukod sa hangaring muling makapagbigay ng karangalan sa bayan.
Kasama ang kanyang coach na si U.S.at Philippine National Master Almario Marlon Bernardino Jr., makikipagtagisan ng talino si Jasper sa 35th Singapore Age Group Chess Championships 2018 na gaganapin sa Kallang Theater, 1Stadium walk sa Singapore mula Disyembre 27 hanggang 30.
Ang fourth seed na si Jasper (Elo 1693) kung saan suportado ang kanyang kampanya sa Singapore trip nina Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo Fabic at ng Arellano University ay makikipagtuos sa Asia’s best U14 players sa Standard Time Control format.
“I hope to do well in this event,” sabi ng Sampaloc, Manila based na tubong Odiongan, Romblon na nasa kandili ni Arellano University head coach National Master Rudy Listana Ibañez.
Galing siya sa panalo sa Canon Carlsen Kasparov Rapid chess tournament at Manila Meet 2018.
Magugunita na si Jasper ay
nakaipon ng 7.5 points out of 11 rounds tungo sa kanyang first national tournament sa National Age Group Chess Championships na ginanap sa taong ito sa Capiz nitong Mayo.
Kabilang sa mga heavyweight players na lalahok sa Boys Under14 ay sina top seed Sean Christian
Goh (elo 2069), second seed Candidate Master Cyrus Nisban (elo 1944), third seed
Sher Hern Leong (elo 1826) at fifth seed Arena Fide Master Kai Xi Dylan Long (elo 144) mula sa host nation at sixth seed Malaysian Fook Weng Pheng (elo 1428).