Kailan kaya ikakasal sina Jessy at Luis?
NA-FAKE news ang mga nakakita sa photo na ipinost ni Jessy Mendiola sa Instagram (IG) na magkapatong ang kaliwang mga palad nila ni Luis Manzano at may suot na singsing. Inakala kasi nilang engagement ring ang suot ng dalawa, pero obviously ay mali ang hinala nila dahil na rin sa caption ni Jessy.
“Loving our rings from @maritessallen thank you so much Ms. Marites! We love you.”
Malinaw, walang binanggit na engagement rings si Jessy, pero dahil doon ay naging mas intense ang request ng supporters ng mag-jowa na magpakasal na sila. But of course, dapat manggaling pa rin sa dalawa ang announcement na engaged na sila at magpapakasal na.
Napansin din ng netizens ang mgs kuko ni Luis na sobrang iksi, natanong tuloy kung nagngangatngat ng kuko si Luis?
“Hindi naman ngat ngat. Pero mahilig sya maggupit ng sagad,” ang sagot ni Jessy.
Samantala, mula nang simulan ang pro ng MMFF entry ng Quantum Films na The Girl in the Orange Dress, ay madalas na kulay orange ang mga damit na isinusuot ni Jessy Magugulat ka pa nga ‘pag nakita siyang hindi orange ang kulay ng suot gaya nang mag guest sa Magandang Buhay noong isang araw Maganda ang feedback sa trailer ng The Girl in the Orange Dress, na idinirek Jay Abello dahil bukod sa nakakaintrigang title, curious ang publiko na mapanood ang first team-up nina Jessy at Jericho Rosales sa unang MMFF movie entry ng una.