Glaiza, may pasabog bago mag-2019
COVER ng December issue ng FHM si Glaiza de Castro at mixed ang reactions ng tao, may natuwa dahil first time niyang mag-cover sa isang men’s magazine at mayroon ding mga hindi natuwa. Pero wala na silang magagawa dahil nand’yan na ang magasin at mas marami ang natuwa.
Post ni Glaiza: “Here it is. One of the things I’d never imagine doing. But when @fhmphiofficial said theyre going in a new direction, I said I’m in. In this issue we talked about what goes beyond what you normally see on the front covers. ‘Cause we are more than that. Photographed by my good friend @xanderangeles and dolled up by @ darylmaat and @mamarhayedelacruz, here I am stripped, uncompromising and ending the year with a bang.”
Ayun naman pala, nabanggit ni Glaiza na new direction na ang FHM, hindi na nakatwo-piece bikinis ang cover ng magasin, at pasok na si Glaiza dahil kapag nagsiswimming lang naman siya nagsusuot ng
swimsuit.
In fairness, kahit hindi naghubad ay marami pa rin ang nagkagusto sa litrato ni Glaiza at pati mga kaibigan niya sa showbiz ay suportado siya. Ang ganda nga ng comment isang netizen sa naturang post.
“That’s kinda revolutionary, women are much more than someone else’s fantasies, thank you for your service.”
Samantala, nakabili na ng bahay sa Baler, Quezon si Glaiza at doon sila magpa-Pasko ng kanyang pamilya. Malaki ang bahay at nagpagawa pa ng dagdag na bedrooms si Glaiza para parentahan sa mga turista.