Pevensie siblings ng ‘Narnia’, nag-reunite
NAGSAMA-SAMANG muli ang cast ng The Chronicles of Narnia sa ika-30 kaarawan ni Anna
Popplewell, na gumanap bilang si Susan Pevensie sa pelikula, noong Disyembre 16.
Ang mga kapatid ni Anna sa pelikula ay sina William
Moseley (Peter), Georgie
Henley (Lucy), at Skandar Keynes (Edmund) at lahat sila ay dumalo sa pagdiriwang.
Nag-post naman sina William at Georgie ng kanilang mga group photo sa Instagram.
“Almost 15 years ago I met these three and my life changed forever. I’m so proud of the films we made. A dream come true. #annapopplewell #skandarkeynes @awkwardcrone love you all. Happy birthday to Anna,” post ni William. Samantala, nag-post naman si Georgie ng ‘then and now’ comparison ng Pevensie siblings, sa pamamagitan ng luma at bago nilang group photo.
Caption ni Henley Georgie: “older! wiser?
still blurry”. Ang Narnia, na batay sa series of novels ni C.S Lewis, ay isang three-part film na pinagbiadhan nina William, Anna, Skandar, at Georgie.
Ang tatlong adaptations ay may titulong The Lion, Witch and the Wardrobe (2005), Prince Caspian (2008), at The Voyage of the Dawn
Treader (2010).
Ang fantasy series ay tungkol sa paglalakbay ng mga Pevensies sa misteryosong mundo ng Narnia, na pinamumunuan ni King Aslan, ang fierce ngunit kind-hearted talking lion.