Balita

Vine, HQ Trivia co-founder, pumanaw na

-

PUMANAW na ang US tech star na si Colin Kroll, ang co-founder ng Vine at ng tanyag na gaming app na HQ Trivia, nitong Linggo sa New York, dahil sa umano’y drug overdose.

Si Kroll, 34, ay natagpuan ng pulisya na walang malay sa kuwarto ng kanyang apartment sa Manhattan, lahad ng pulisya sa NBC television.

Drug overdose ay hinihinala­ng sanhi ng pagkamatay ni Colin, anang pulisya, at nagsasagaw­a na ang mga ito ng imbestigas­yon.

Si Kroll ang co-founder ng Vine, ang popular na short-form video service na binili ng Twitter noong 2012, na ngayon

ay wala na.

Noong Setyembre, siya ang itinalagan­g chief executive ng HQ Trivia, isang smartphone-based trivia platform.

Kinumpirma ng HQ Trivia ang kanyang pagkamatay sa isang pahayag. “We learned today of the passing of our friend and founder, Colin Kroll, and it’s with deep sadness that we say goodbye,” sabi nito. “Our thoughts go out to his family, friends and loved ones during this incredibly difficult time.”

Inilunsad ang HQ Trivia noong August 2017, at naging blockbuste­r noong Marso sa dalawang milyong

players nito.

Ngunit nitong Nobyembre ay bumaba umano ang bilang ng users sa libong bilang, ayon tech news site na Recode.

Ayon sa Time magazine si Kroll umano ay sinibak sa Twitter dahil sa poor management behavior, at nahaharap sa mga alegasyon na gumawa ito ng maling hakbang sa HQ Trivia.

 ??  ?? Colin
Colin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines