Balita

Yi, kampeon sa Asian chess tilt

-

TINANGHAL na kampeon sina Grandmaste­r Wei Yi ng China at Internatio­nal Master Rout Padmini ng India, habang nangunang Pinoy sina IM Ricardo de Guzman at IM Jan Jodilyn Fronda sa pagtatapos ng 17th Asian Continenta­l Chess Championsh­ips-2nd Manny Pacquiao Cup nitong Martes sa Tiara Oriental Hotel sa Makati.

Nakihati ng puntos si Wei kay GM M. Amin Tabatabaei ng Uzbekistan sa ikasiyam at final final round para magtapos sa three-way tie para sa unang puwesto kasama sina Tabataei at GM Le Quang LIem ng Vietnam tangan ang 6.5 puntos. Nakamit ni Wei ang titlo tangan ang pinakamata­as na puntos sa tiebreak.

Ginapi naman ni Le si GM Surya Shekhar Ganguly ng India para manguna sa women’s division ng 64-player, 14-nation tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP) at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nakopo rin nina Wei,

Tabatabaei at Le ang slots para makalahok sa World Chess Cup sa susunod na taon.

Kinumpleto nina Ganguly at GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam, tumabla kina GM S. P. Sethuraman ng India, ang top 5 sa World Cup.

Magkakasam­a sina Ganguly at Nguyen sa eight-man group na may anim na puntos, ngunit mas mababa ang kanilang tiebreak points.

Tumapos din na may anim na puntos sina GMs Nodirbek Abdusattor­ov ng Uzbekistan, Parham Maghsoodlo­o ng Iran, Babu M. R. LAlith of India, S.P. Sethuraman ng India, B. Adhiban ng India at Santosh Vidit ng India.

Kinapos si De Guzman, threetime Olympiad veteran, kontra No. 18 seed GM Abhimanyu Puranik ng Indiapara mapasama sa nine-way tie sa ika-20 puwesto na may 5.5 puntos.

Sa women’s division, tumabo si Fronda kontra No. 3 IM Guo Qi ng China para makisosyo sa seven-player tie para sa ika12 hanggang ika-18 puwesto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines