Balita

Pinoy eGamers, kampeon sa World SEA Finals

-

TINANGHAL na overall champion ang Team Philippine­s sa World Electronic Sports Games SEA Finals matapos magwagi ng tatlo sa pitong championsh­ips nitong Linggo sa Quill City Mall sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakopo ng Pinoy e-Gamers TNC Predator at ArkAngel ang gintong medalya sa Dota 2 at CS:GO Female, ayon sa pagkakasun­od, habang nagwagi si Caviar “EnDerr” Acampado sa Starcraft II.

Naiuwi rin ng TNC ang silver medal sa CS:GO, habang sumegunda si Euneil “Staz” Javinas sa Hearthston­e.

Nakasiktwa­t din ng silver medal si Cara “Caracute” Vergel De Dios sa Hearthston­e Female.

Bukod sa medalya, naiuwi rin ng Pinoy ang cash prizes at slots para sa WESG 2018 Global na gaganapin sa Chongqing, China sa Marso.

Naibulsa ng TNC Predator at ArkAngel ang tig-US$ 7,500 (P375,000), habang kipkip ni Acampado ang US$ 3,750 (P185,000). Nagwaginam­an ang TNC sa silver medal place ng US$4,500 (P225,000) at naibulsa ni Javinas at US$ 2,250 (P112,500) at si DeDios ay

may US$ 750 (P37,500).

Inilunsad ang WESG noong 2016 ng China’s Alibaba Sports upang mapalawig ang programa at developmen­t ng eSports na isa na ring Olympic sports. Ngunit, taliwaqs sa Olympic style tournament eSports na may multi-national sa teams, ang WESG ay tumatangga­p lamang ng mga koponan na may players mula sa iisang bansa.

Ikinatuwa naman ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang panibagong tagumpay ng Pinoy sae Sports – isa sa pinakabago­ng pro sports na pinanganga­siwaan ng ahensya.

“As what I said before eSports is bigger than any other sports in the future. Kaya, pasalamat tayo at kasama ang Pilipinas sa mabilis na kaunlaran nito. Hindi tayo maiiwan, kaya kami sa GAB ay patuloy na nagbabanta­y sa kanilang mga programa,” pahayag ni Mitra, dating Palawan Governor at Congressma­n.

Inamin ni Mitra na bukod sa nagkakaisa ang mga organizers at stakeholde­rs sa eSports, lumalaki ang bilang ng Pinoy na sumasabak sa naturang sports.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines