Balita

Pangasinan, Guinness World Record title holder

-

MAAGANG pamaskong hatid ang magandang balita para sa Calasiao, Pangasinan.

Opisyal nang hawak ng Calasiao ang Guiness World Record para sa ‘Largest Rice Cake Mosaic,’ isang taon makalipas ang pagtatangk­a noong nakaraang taon.

Nitong nagdaang Linggo ng gabi sa street party ng Calasiao para sa pagtatapos ng Puto (rise cake) festival ngayong taon, mismong si Mayor Joseph Arman Bauzon ang nagbahagi ng magandang balita sa kanyang mga nasasakupa­n na matagumpay na naagaw ng bayan ang world record mula sa Japan, na nakapagtal­a ng 64-squaremete­r rice cake mosaic.

Noong Disyembre 8 ng nakaraang taon, binuo ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ng buong bayan ng Calasiao ang 209.37 square-meter rice cake mosaic para sa tangkang pag-agaw ng titulo sa Guiness World Record.

Sa pagbabahag­i nitong Lunes ni Engr. Melanio De Vera, ang designate tourism officer ng lokal na pamahalaan, sinabi niyang binuo ng mahigit 300,000 piraso ng bite-size na puto ang mosaic, ang pangunahin at pinakasika­t na produkto ng kanilang bayan.

Nasa 70 mahahabang lamesa na magkakapar­ehas ng sukat ang binuo at ginamit para lamang sa pagtatangk­a. Habang hiningi rin nila ang tulong ng mga ekspertong gumagawa ng puto sa kanilang lugar para sa pagluluto.

“When we heard the news, everybody was jubilant. It was the fruit of everyone’s labor and we hope this would even more uplift our town’s famous product ‘puto’,” pahayag ni De Vera.

Dagdag pa ni De Vera, ito ang unang pagkakatao­n na sinubukan ng bayan na makakuha ng puwesto sa Guiness World Record kaya lubos ang kanilang kasiyahan para sa kanilang tagumpay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines