Balita

Rayver at Janine, sa US magpa-Pasko

- Ni REGGEE BONOAN

SI Rayver Cruz ang tumayong bestman sa katatapos lamang na kasal nina Lotlot De Leon at Fadi El Soury dahil hindi raw nakarating ang kapatid ng huli na manggagali­ng ng Lebanon.

Base sa nakuha naming tsika ay matagal nang inalok ang aktor na maging bestman sa kasal.

Kuwento pa, “hindi na rin naman kasi iba si Rayver sa pamilya nina Lotlot, sa katunayan love na love ni Lot si Rayver. Lahat ng family events nandoon si Rayver.”

Mukha naman, dahil base sa mga nakikita naming posts ni Lotlot sa social media account niya ay kasama si Rayver sa mga family gatherings at pawang kind words ang sinasabi nito tungkol sa aktor.

At heto pa, maging ang lola ni Janine

Gutierrez na si Ms Pilita Coralles, nanay ng daddy niyang si Ramon Christophe­r Gutierrez ay botong-boto rin kay Rayver dahil kilala na raw nila ang aktor simula pa noong bata.

Ganito rin ang pamilya Cruz na botongboto rin kay Janine para sa aktor.

Kasama si Rayver sa Amerika pagpunta ng buong angkan ng mga Gutierrez at ang bagong kasal na sina Lotlot at Fadi, na magsisilbi­ng honeymoon nila.

Doon sila magdidiwan­g ng Pasko kaya mararanasa­n nina Rayver at Janine ang White Christmas at babalik sila sa Disyembre 31 para dito naman mag New Year.

Ang nakapagtat­aka, laging magkasama sina Rayver at Janine pero hindi pa raw sila magkarelas­yon, huh? Best of friends lang daw sila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines