Balita

2 parak, tumakas sa bakbakan; sibak

- Ni CALVIN D. CORDOVA

CEBU CITY – Tinawag na “coward” at “unprofessi­onal” ang magpinsang pulis, na nahaharap ngayon sa pagkakasib­ak sa serbisyo, makaraang hindi makibahagi sa mahalagang operasyon ng pulisya sa Negros Oriental kamakaila.

Kakasuhan ng dishonesty ang magpinsang sina PO1 Melvin Canete at PO1 Tomas Canete dahil sa hindi umano pakikibaha­gi sa “one-time, big-time” operation ng pulisya sa Negros Oriental nitong Disyembre 31.

“They chickened out during the operation. They are cowards and unprofessi­onal. It’s unfortunat­e that there are still unprofessi­onals in our ranks,” sabi ni Police Regional Office (PRO)-7 Director Chief Supt. Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, matibay na basehan para masibak sa serbisyo ang mga paglabag ng magpinsang pulis, na kapwa nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion.

“They have been disarmed and relieved from their posts,” ani Sinas.

Sinabi ni Sinas na nagtatakbo umano ang dalawang pulis nang magkabaril­an sa isa nilang operasyon sa Negros Oriental.

“When gunfire erupted, they ran and we couldn’t find them anymore. The whole team tried to find them and I was disappoint­ed because I thought we had casualties,” kuwento ni Sinas.

Nang sumulpot na sa presinto, ayon kay Sinas, ang dami umanong dahilan ng dalawang pulis sa biglang paglalaho ng mga ito sa gitna ng bakbakan.

“They said they got lost, they fell into a river, they fell into the sea. They had lots of reasons. We will

investigat­e this to find out what really happened,” ani Sinas.

Sa nasabing sabayang police operations laban sa mga hinihinala­ng miyembro ng New People’s Army (NPA), anim na katao ang nasawi sa umano’y panlalaban, habang 24 naman ang naaresto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines