Balita

Kyline, pressured sa unang kantaserye

- Ni LITO T. MAÑAGO

AMINADO ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara na pressured siya sa sisimulang kantaserye­ng Inagaw

Na Bituin na magsisimul­a nang umere ngayong buwan sa afternoon prime ng ng GMA.

“Ibang-iba po ito sa role ko sa bilang Cheska,” simula ng

La Nueva Kontrabida.

“Sa Kambal, Karibal may acting combinatio­ns po ako. Minsan mabait, minsan masama. Pero both are challengin­g po. Dito sa bagong show, may acting na, may kantahan pa.”

Itinuturin­g ni Kai na best year ang 2018 as far as her showbiz career is concerned.

“Best year so far,” maikling pahayag ng Bicolana star.

Taong 2018, umalagwa ang kanyang career sa bakuran ng GMA via the now defunct Kambal,

Karibal with Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Nasundan ito ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA Records hanggang sa magkaroon ng successful first solo concert sa Skydome nung September. Nakatangga­p din siya ng awards mula sa iba’t-ibang award-giving bodies, kasama na rito ang highly coveted national winner as Best Actress in a Supporting Role sa 1st Asian Academy Creative Awards (AACA) sa Singapore. “Sobrang daming blessings po nu’ng 2018 and looking forward na madagdagan pa ito ngayong taon. Kaya I’m working hard para maabot ko pa ang mga pangarap ko sa buhay,” sambit ng award-winning Kapuso actress.

Opening salvo ng Kapuso Network ang Inagaw Na Bituin for 2019. Maliban kay Kyline, bida rin sa serye ang Moscow Internatio­nal Filmfest Best Actress na si Therese Malvar.

Kabituin din ng dalawa ang ilang bigating stars katulad nina

Sunshine Dizon, Angelika de la Cruz, Angelu de Leon, Marvin Agustin at marami pang iba. Mula ito sa direksyon ni Mark Reyes.

 ??  ??
 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines