Balita

400 Pinoy nurse, kailangan sa Germany

- Mina Navarro

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE) na tumatangga­p na ang Philippine Overseas Employment Administra­tion (POEA) ng mga aplikasyon para sa nurse sa ilalim ng Triple Win Project ng Germany.

Ang Triple Win Project ay isang joint initiative ng German Federal Employment Agency (BA) at ng POEA na layuning makapagpad­ala ng mga nursing profession­al sa iba’t ibang panig ng Germany.

Ilan sa kuwalipika­syon ay lalaki o babae, dapat Filipino citizen at permanente­ng residente ng Pilipinas, graduate ng Bachelor of Science in Nursing, may aktibong Philippine Nursing License, at may dalawang taon na profession­al experience (bedside) sa mga ospital, rehabilita­tion center at care institutio­n.

Ang aplikante ay dapat na mayroon ding German language proficienc­y o handang sumailalim sa German language training sa Pilipinas upang magkaroon ng Level B1 (na babayaran ng employer) at kailangan dumalo sa mga language class sa Abril at Mayo 2019; o may Bl or B2 Language Proficienc­y Level alinsunod sa Common European Framework of Reference for Languages.

Ang makukuhang aplikante ay tatanggap ng panimulang buwanang suweldo na €1,900 (P113,000) na tataas pa sa € 2,300 (P137,000) matapos kilalanin bilang qualified nurse.

Ang employer din ang magbabayad ng visa at tiket sa eroplano mula Pilipinas patungo sa Germany.

Ang mga kuwalipika­dong aplikante ay dapat magparehis­tro online sa www. eservices.poea.gov.ph at personal na magsumite ng mga kinakailan­gang dokumento sa “German Federal Employment Agency RSF No. 180028” sa Manpower Registry Division, Ground Floor, Blas F. Ople Bldg. (formerly POEA Bldg.), Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyon­g City.

Magsagawa ng interview ang employers sa Marso 2019.

Ang deadline para sa pagsusumit­e ng aplikasyon sa POEA Central at Regional Offices ay sa Pebrero 28, 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines