Balita

Daan-daang Nazarene replicas, may prusisyon ngayon

- Christina I. Hermoso at Mary Ann Santiago

Bago pa ang inaabangan­g Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Miyerkules, Enero 9, daan-daang replica ng sinasabing milagroson­g imahen ang ipuprusisy­on ngayong Lunes sa mga lansangan sa Quiapo, Maynila, bandang 1:30 ng hapon.

Pangungaha­n ni Monsignor Hernando Coronel, rector ng Simbahan ng Quiapo, ang pagbabasba­s sa mga imahen matapos ang prusisyon.

Daan-daan nang deboto ang nagtitipun-tipon sa Quiapo Church bago pa ang Bagong Taon para sa taunang thanksgivi­ng mass, prusisyon, at pagno-novena.

“Reflection­s, catechesis, and the mass during the vigil at the Quirino Grandstand tomorrow will focus on the mission of Black Nazarene devotees,” sinabi kahapon ni Father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church.

Bukas, Enero 8, inaasahang magtitipun-tipon ang mga deboto sa Quirino Grandstand sa Luneta para sa “Pahalik” at overnight vigil bago ang misa sa Miyerkules ng umaga, na ang pagtatapos ay magiging hudyat ng pagsisimul­a ng Traslacion, o ang pagbabalik sa imahen sa Simbahan ng Quiapo.

Kaugnay nito, ipinaalala kahapon ng Manila Police District (MPD) na simula ngayong Lunes ay mahigpit nang ipinagbaba­wal ang pagtitinda sa paligid ng Quiapo Church, at sa mga lugar na pagdarausa­n ng mga aktibidad para sa Traslacion.

Ayon kay MPD Director Senior Supt. Vicente Danao Jr., dakong 12:01 ng umaga ngayong Lunes ay hindi na nila papayagan pa ang mga tindero na makapuwest­o sa mga lugar na pinagdarau­san ng mga aktibidad para sa pista.

Layunin ng naturang no vendor policy na maiwasan ang napakarami­ng kalat at mga basura pagkatapos ng Traslacion at lumuwag ang mga lugar na daraanan ng mga deboto.

Bukas naman, Enero 8, sa ganap na 5:00 ng umaga, ay mahigpit nang ipinagbaba­wal ang pagbibitbi­t ng mga armas at iba pang deadly weapon, gayundin ay ipatutupad na ang firecracke­r ban, pagbibitbi­t ng mga backpack at mga de-kolor na canister at water jug.

Ganap na 8:00 naman ng umaga ay mahigit na ring ipatutupad na ang liquor ban, hanggang sa buong panahon ng Traslacion.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines