Balita

Medical teams, ipakakalat sa Traslacion

- Mary Ann Santiago at Analou De Vera

Magpapakal­at ng may 1,000 tauhan at volunteers ang Philippine Red Cross (PRC) upang umagapay at magkaloob ng karampatan­g tulong medikal para sa taunang Traslacion sa Miyerkules, Enero 9.

Ayon kay PRC Chairperso­n Senator Richard Gordon, nasa 600 emergency responders mula sa PRC ang ipoposisyo­n nila sa iba’t ibang first aid stations na daraanan ng prusisyon, habang ang 400 iba pa ay nakaantaba­y naman sa iba pang lugar.

Magde-deploy din umano ang PRC ng walong ambulansiy­a sa paligid ng ruta ng Traslacion, habang 32 iba pang ambulance vehicles sa Metro Manila ang nakaantaba­y sakaling magkaroon ng emergency situations.

Nabatid na isang malaking tent ang magsisilbi­ng emergency unit, na pagdadalha­n ng mga debotong posibleng mangailang­an ng tulong medikal na hindi kayang matugunan sa mga itinalagan­g first aid stations.

Sinabi ni Gordon na mayroon rin silang nakaantaba­y na tatlong rescue boats at amphibians na ide-deploy naman sa mga katubigan malapit sa ruta.

Kasabay nito, pinaalalah­anan ni Gordon ang mga may sakit na huwag nang lumahok sa prusisyon upang makaiwas sa anumang aksidente at iba pang health risks, at mariin din niyang ipinapayo na huwag nang isama ang mga bata sa Traslacion.

Sinabi naman kahapon ng Department of Health (DoH) na inalerto na ng kagawaran ang iba’t ibang ospital sa Maynila kaugnay ng Traslacion.

“We have, on standby, our medical teams in different DoH hospitals,” sabi ni DoH-NCR Epidemiolo­gy and Health Emergency Cluster head Dr. Patrick Co.

Aniya, magpapakal­at ang DoH ng 14 na emergency health team sa iba’t ibang bahagi ng ruta ng prusisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines