Balita

Taiwan, nag-aalok ng amnestiya sa overstayer­s

- Roy C. Mabasa

Inilunsad kahapon ng National Immigratio­n Agency (NIA) ng Taiwan ng Overstayer­s Voluntary Departure Program, isang five-month amnesty program para hikayatin ang lahat ng mga banyaga na ilegal na nananatili sa bansa na sumuko o mahaharap sa mabibigat na parusa.

Sa isang press conference, inimbitaha­n ng NIA ang mga kinatawan mula sa Pilipinas, Indonesia, at Vietnam na dumalo at hinimok ang kanilang mga mamamayan na samantalah­in ang one-time program.

Para sa buong buwan ng Enero 2019, itataguyod ng gobyernong Taiwanese ang programa para ipalaganap ang mga pangunahin­g elemento nito sa publiko, na kaagad susundan ng lubusang pagpapatup­ad nito simula Pebrero 1 hanggang Hunyo 30.

Sa tala nitong Oktubre 2018, sinabi ng NIA na mayroong tinatayang 88,000 overstayer­s sa Taiwan.

Sa ilalim ng mekanismo, ang overstayer­s na boluntaryo­ng susuko sa loob ng limang buwang programa ay hindi ikukulong ngunit magbabayad ng maximum overstay fine na NTD 2,000 at mas mababang entry ban.

Para sa mga maaresto ng mga awtoridad pagkatapos ng programa, tatanggap sila ng matinding parusa, hindi binanggit na haba ng pagkakakul­ong, mas mabigat na overstay fines at mas mahabang entry ban.

Kaugnay ng programang ito, hinimok ng Taiwan government ang kanyang mamamayan na hikayatin ang overstayer­s na sumuko upang maiwasang maging biktima ng human traffickin­g o mamaltrato ng kanilang employers. Hinihimok din silang isumbong ang illegal employers at agencies.

Sa oras na maberipika, aayudahan ng NIA ang informant sa pag-apply para makuha ang malaking pabuya mula sa labor affairs authoritie­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines