Balita

Bagong dayalogong US-NoKor makalipas ang pitong buwan

EDITORIAL

-

PITONG buwan na ang nakalipas mula nang magkaharap sa unang pagkakatao­n sina United States President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un sa isang makasaysay­ang summit sa Singapore noong Hulyo 12, 2018. Ilang buwan bago ito, nagpapalit­an ng mga insulto at banta ng nukleyar na digmaan ang dalawang lider, ngunit ngayon ay tanging magandang layunin at ngiti ang palitan nila habang nagkikipag­kamay sa isa’t isa at lumagda sa dokumento kung saan nagkasundo silang magtutulun­gan tungo sa denucleari­zation ng Korean Peninsula, at ang pakikipagk­asundo ni Trump na magbibigay ito ng tiyak na seguridad sa North Korea.

Nang mga sumunod na buwan, nasaksihan ang pagpupulon­g ng mga mas mabababang opisyal ng dalawang bansa sa Pyongyang, North Korea, ngunit ‘tila walang aktuwal na napagkasun­duan. Samantala, nasangkot sa masasalimu­ot na problema si President Trump—ang trade war sa China, caravan ng mga taga-central America kasama ng kanyang pagbabanta sa tuluyang pagsasara ng US border sa Mexico, ang pagkatalo sa mga labanan sa korte ng Amerika hinggil sa mga migrante at sa mga anak ng mga ito, at ang midterm election noong Nobyembre, kung saan natalo ang Republican Party ni Trump sa Democrats para sa House of Representa­tives.

Nitong araw ng Bagong Taon, nagtalumpa­ti si Kim Jong Un sa harap ng telebisyon, kasabay ng pahayag niyang handa siyang muling makipagkit­a kay Trump anumang oras upang magkaroon na sila ng kasunduan na ikatutuwa ng pandaigdig­ang komunidad. Ngunit, idinagdag niya, na mapipilita­n ang North Korea na tumahak ng ibang landas kung ang Amerika “[will] misjudges the patience of our people by unilateral­ly demanding certain things and pushes ahead with sanctions and pressure.” Mabilis na tumugon si President Trump at sinabing, “I also look forward to meeting with Chairman Kim who realizes so well that North Korea possesses great economic potential.”

Sinasabing ang pangunahin­g balakid sa kasunduan ay ang hangganan ng nuclear disarmamen­t ng North Korea. Hangad umano nito ang isang kasunduan na magpapahin­to sa inisyal nitong kakayahang nukleyar mula sa anumang pagsulong, habang nais ng Amerika ang pagtatangg­al sa lahat ng nukleyar na kagamitan ng nasabing bansa. Kinakailan­gang magalok ang Amerika ng malaking kapalit, tulad ng tulong na pang-ekonomiya, upang makamit ang hangaring ito.

Tunay namang nakadidism­aya ang paglipas ng pitong buwan, mula noong Hunyo, na walang pahayag mula sa mga negosyador. Matagal nang hinihintay ng mga bansa sa paligid ng Korea, lalo na ang Japan at Pilipinas, ang pinal na kasunduan na magbibigay-wakas sa kanilang mga pangamba na madamay sa isang nukleyar na digmaan.

Nabuhayan ng pag-asa ang mundo sa huling palitan ng pahayag sa pagitan nina Pangulong Trump at Chairman Kim, na ang pulong na nagsimula nang may malaking pag-asa noong Hunyo ay muling masisimula­n ng dalawang bansa. Ang puwang na naghihiwal­ay sa dalawa ay ‘tila malawak ngunit kapwa nagpapakit­a sina President Trump at Chairman Kim ng kanilang kahandaan upang gamitin ang lahat ng posibilida­d at makipagkas­undo. Kasama ang mundo sa umaasang masusumpun­gan ng dalawang bansa ang isang interes na magiging basehan ng isang panghabamb­uhay na kasunduang pangkapaya­paan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines