Balita

Bagsakan center para sa mas malaking kita ng mga magsasaka

-

INAASAHANG malaki ang maitutulon­g ng bagong bagsakan center o post-harvest trading facility sa mga magsasaka ng Laguna upang mas mabenta ang kanilang mga aning produkto at sa paghahanap ng bagong merkado, na magreresul­ta sa mas malaking kita para sa kanila.

Sinabi nitong Biyernes ng Laguna provincial agricultur­ist na si Marlon P. Tobias na ang bagong Laguna Agricultur­al Trading Center (LATC), o mas kilala bilang “bagsakan center” sa Barangay Lamot II, ay para sa mga magsasaka na karamihan ay mula sa ikatlo at ikaapat na distrito ng probinsiya.

“Layuning mabigyan ng lugar ang mga magsasaka na magkaroon ng isang angkop na pasilidad kung saan maayos nilang maipagbibi­li ang kanilang ani sa tamang halaga, na siyang pinupuntah­an ng mga negosyante­ng siya namang namamahagi sa mga pamilihan,” pahayag ng Office of Provincial Agricultur­ist (OPA).

Pinanganga­siwaan ng OPA-LATC ang trading center upang matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang kanilang kita at mapasigla ang kanilang kabuhayan, gayundin ang pagsusulon­g ng agri-business sa mga agrikultur­al na lugar sa Laguna.

Makatutulo­ng din ang bagong bagsakan upang hindi malugi ang mga magsasaka, na dulot ng pagkabulok ng malaking bahagi ng kanilang ani dahil sa oversupply, tulad ng nangyari noong nakaraang taon nang tone-toneladang kamatis sa bayan ng Kalayaan ang nabulok.

Ginagamit din umanong training venue ang lugar upang turuan ang mga magsasaka ng mga bagong agricultur­al at farming techniques sa paghahalam­an, organic farming, pagpoprose­so ng mga gulay at prutas, at pagpaparam­i ng mga ornamental plants at paghahanda ng mga binhi, at mga materyales na kailangan para sa pagpapalak­i ng mga puno.

Inilarawan naman ni Laguna 3rd District Provincial Board Member Alejandro Yu ang pagbubukas ng bagsakan bilang “providing more opportunit­ies for farmers and agricultur­al workers to have a centralize­d venue for an effective system to market and trade agricultur­al products and farm harvests.”

Aniya, mapapalaka­s nito ang kabuhayan ng mga magsasaka, gayundin ay mapapasigl­a ang supply ng mga produktong agrikultur­al sa mga pamilihan, habang mas nagiging competitiv­e ang mga produkto, hindi lang sa Laguna, kundi maging sa mga pangunahin­g urban center sa Calabarzon Region at sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Yu, magiging daan din ang bagsakan center para sa pagkuha ng serbisyo ng mga supermarke­t, malalaking grocery stores at palengke, lalo dahil hindi kalayuan ang lugar sa mga siyudad at sa Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines