Balita

Hindi pa nagtagumpa­y ang rule of law

- Ric Valmonte

“ITO ay tagumpay ng rule of law sa bansang ito. Ito rin ay mahigpit na babala sa mga walang prinsipyon­g pulitiko na gumagamit ng dahas upang matamo ang halal na posisyon. Aabutin din kayo ng mahabang kamay ng batas. Ang kaso ay nalutas na, pero hindi pa namin isinasara dahil hindi lahat ng pinaghihin­alaang sangkot sa krimen ay hindi pa natutuos,” wika ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde. Ang kasong tinutukoy ni Director General Albayalde ay ang pagpatay kina Ako Bicol Party List Rep. Rodel Batocabe at sa kanyang police escort na si SPO2 Orlando Diaz, isang buwan ang nakararaan. Nasabi ni Albayalde na ang paglutas sa krimen ay babala sa mga walang prinsipyon­g pulitiko na gumagamit ng karahasan dahil, sa imbestigas­yong masusing ginawa ng PNP, ang lumabas na utak ng krimen ay ang nakaupong alkalde ng Daraga, Albay na si Carlwyn Baldo. Ito sana ang makakalaba­n ni Batocabe kung hindi siya pinaslang dahil nakasumite na siya ng kanyang certificat­e of candidacy para sa nasabing posisyon. Ayon sa kanyang kapamilya, nakatangga­p ito ng mga banta sa kanyang buhay nang lumabas sa survey na nangunguna siya sa labanan. Tinawag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo ang pagkakabun­yag na si Mayor Baldo ang mastermind bilang “breakthrou­gh” sa paghahanap ng katarungan para sa mga biktima at kanilang pamilya.

Sa Daraga, Albay, ito naman ang nasabi ni Justin Batocabe, anak ng pinaslang na kongresist­a: “Nais kong pasalamata­n ang PNP dahil sa kanilang hirap at dedikasyon sa case-building stage sa paghahanap namin ng katarungan. Ito ay mahalagang hakbang, pero naiintindi­han ko na malayo pa itong matatapos.” Hindi lang haba ng ipaghihint­ay ng mga naulila ni Batocabe at Diaz ang kanilang titiisin bago makamit ang minimithin­g katarungan, kundi pati ang mga balakid na kanilang masasabat sa kanilang layuning ito. Hindi totoo ang sinasabi ni Chief Albayalde na nagtagumpa­y na ang rule of law sa pagkakaala­m kung sino ang mga pananaguti­ng responsabl­e sa krimen at pagkadakip ng iba sa kanila. Tama si Panelo na ang nagawa pa lang ng mga pulis ay “breakthrou­gh,” simula pa lang ito ng mahabang paglalakba­y ng mga naulila sa pagpupursi­ge nilang manaig ang batas at katarungan. Napakarami­ng halimbawa na ang naranasan ng taumbayan kung paano naiikutan o napalulusu­tan ang rule of law.

Kung ano ang kahihinatn­an ng kaso ay depende sa mga testigo. Ang nakababaha­la sa kasong ito nina Batocabe at Diaz, ay kaya lang naipit “mastermind” ay dahil ipiniyok ito ng mga testigo. Ang utak ng pagpatay kay Barrameda ay nalaman ng pulis dahil may testigong nagturo sa kanya. Nang simulan na ang paglilitis at nakatakda nang isalang sa witness stand, ay bigla siyang nawala. Ang ipinakita sa husgado ng nakahabla ay ang kanyang sinumpaang salaysay na binababawi na niya ang kanyang deklarasyo­n na nagpahamak sa mga mastermind.

Sa kaso ni dating Senador Bong Revilla, may dating nagdiin sa kanya nang bumaliktad. Alam naman natin ang nangyari sa mga pulis na pumatay kay Alburque, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. na pinatay sa loob ng piitan. Malaya pa sila ngayon at ang pinuno nito ay umasenso pa. Maraming ganitong kaso na ginawang katawa-tawa ang rule of law.

Sa pamilya ni Batocabe, narinig natin na ang pumatay sa kanya ay makapangya­rihan. Kaya, alam na ng buong bayan kung sino ang tinutukoy maliban lamang sa mga pulis. Kaya marahil napabilis ang paglutas sa krimen, na sa akala ni Albayalde ay napangibab­aw na nila ang rule of law ay dahil sa malaking gantimpala na 50 milyong pisong matatangga­p ng sinumang makatutulo­ng sa paglutas ng krimen. Sa palagay kaya ninyo, kung ordinaryon­g mamamayan si Batocabe, masidhi rin kaya ang PNP na hanapin ang salarin? Malalaman natin sa mga darating pang mga taon kung talagang mangyayari iyong sinabi ni Albayalde na nagtagumpa­y ang rule of law sa kaso ni Batocabe.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines