Balita

Patayan, dahil sa pulitika

- Bert de Guzman

NANG dahil sa pulitika, may mga pulitiko na pumapatay ng tao o kalaban para lamang maluklok sa puwesto. Ganito, humigit-kumulang ang nangyari sa Daraga, Albay kung saan binaril at napatay ng mga armadong lalaki si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na kandidato sa pagka-Mayor ng Daraga, habang nagkakaloo­b ng mga regalong pamasko sa senior citizens at may kapansanan.

Napatay rin ang bodyguard niyang pulis.

Kung paniniwala­an ang Philippine National Police (PNP), ang utak o mastermind umano sa pagpaslang sa kongresist­a ay ang nakaupong alkalde ng bayan, si Mayor Carlwyn Baldo, na kalaban ng biktima sa pulitika. Ang mga pumatay, batay sa pagsisiyas­at ng PNP, ay mga tauhan ni Baldo.

Mahigpit namang pinabulaan­an ni Mayor Baldo na siya ang nag-utos na patayin si Batocabe. Siya raw ay inosente at ginagamit lamang siya bilang “convenient scapegoat” ng tunay na mga salarin. Si Baldo ay kandidato ng Lakas-CMD. Ibig sabihin ni Baldo, madaling sabihin na siya ang nagpapatay dahil kalaban niya ang biktima.

Ayon sa kanya, ang pagkamatay ni Batocabe at ng bodyguard na si PO2 Orlando Diaz ay hindi lang injustice kay Batocabe at Diaz kundi maging sa kanilang mga pamilya at sa iba pang nasugatan ng mga ligaw na bala. Sana naman ay matukoy

ang tunay na kriminal, pag-usigin at lapatan ng parusa.

oOo Naniniwala ang mga kongresist­a, partikular sina House Majority Leader Rolando Andaya Jr. at Minority Leader Danilo Suarez, na “flood control scam” ang alokasyon ng Department of Budget and Management (DBM) sa pamumuno ni Sec. Benjamin Diokno na P332 bilyon para sa mga nonexisten­t flood control projects sa loob ng tatlong taon.

Ayon kay Andaya, si Diokno at hindi sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) at Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar, ang nasa likod ng pagsisingi­t o insertions ng gayong halaga sa budget. Ang P332 bilyong alokasyon, ayon kay Andaya, ay binubuo ng P213 bilyon sa flood control projects sa pambansang budget para sa 2017 at 2018, at ang panukalang P119 bilyon sa taong ito.

Ani Andaya: “Ang lahat ng ito ay galing sa taxpayers’ money.” Idinagdag niyang si Diokno ang

nagsingit nang hindi kinokonsul­ta si Villar, na tahasang pagbalewal­a rin sa DPWH Order 23 Series of 2015 tungkol sa flood funding requests.

Ayon sa kanya, lumilitaw na inilaan ng DBM ang pondo sa mga proyekto sa mga lugar na hindi naman madalas binabaha at hindi saklaw ng anumang master plan, tulad ng P385 milyong inilaan sa Casiguran, na ang alkalde ay balae ni Diokno. Ang lahat ng ito ay itinatangg­i ni Diokno.

Samantala, batay sa balita noong Biyernes na lumabas sa mga pahayagan, nananatili ang tiwala ng Malacañang kay Diokno. Kayang-kaya raw nitong sagutin ang lahat ng katanungan tungkol sa Bicol flood control projects.

Kaya lang, nagtatanon­g ang taumbayan kung bakit hindi sinisibak ni PRRD si Diokno kung paniniwala­an ang pahayag niya noon na “Just a whiff of corruption”, tanggal ang sinumang hepe ng tanggapan ng gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines