Balita

Kanino mapupunta ang R50M reward?

- Dave M. Veridiano, E.E.

WALA akong duda na malaki ang papel ng P50 milyon na reward sa mabilis na paglutang ng anim sa mga suspek na pumatay kina Ako Bicol Partylist Rep Rodel Batocabe at security escort niyang si SPO2 Orlando Diaz, lalo pa nga’t nagka-onsehan pa umano sa P5 milyon na ipinangako­ng ibabayad sa kanila upang gawin ang pagpatay.

Halos 12 araw pa lamang matapos tambangan ang dalawa sa Barangay Burgos, Daraga, Albay noong Disyembre 22, 2018 ay magkakasun­od na sumuko agad ang mga pangunahin­g suspek sa pagpatay kay Rep Batocabe at SPO2 Diaz, matapos na ianunsiyo

ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na itataas niya sa P50 milyon ang reward sa Batocabe – Diaz double murder case.

Ngunit sa pagkakaala­m ko, ang mga matitinik na imbestigad­or – gaya ng mga na-cover ko noong mga nakaraang dekada na lumutas sa malalaking kaso ng pagpatay na hinawakan ng Philippine National Police (PNP) -- ay tinitingna­n lamang ang mga sinumpaang salaysay ng mga sumukong suspek bilang gabay nila sa mas malalim na pag-iimbestiga upang makakuha ng mga physical evidence na magpapabig­at sa kasong ini-imbestigah­an.

Maingat sila sa pagpapaniw­ala sa “kuwento” ng sumukong suspek, lalo pa’t ang naka-impluwensi­ya sa pagsuko nito ay ang malaking reward na nakapatong dito. Ngunit buong tiyaga naman na pinag-aaralan ng mga imbestigad­or ang affidavit nito, upang makakuha ng iba pang material o physical evidence na mas magdidiin sa “utak” sa krimen.

Kadalasan ay nakikipag-coordinate sila sa mga imbestigad­or – mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) – na naunang naka-responde sa pinangyari­han ng krimen, upang pag-aralan ang mga ebidensiya­ng nakalap sa lugar. Maaari kasing may mga physical evidence roon -- gaya ng mga fingerprin­ts, bakas ng sapatos, basyo o tingga ng

bala ng baril, skid mark ng getaway vehicle at iba pang bagay na mapupulot sa lugar – na nakuha ng SOCO na maaaring maidugtong naman sa affidavit ng umaming suspek.

Kailangan ito sakaling biglang magbago ang isip ng testigo, at bumaligtad sa kanyang sinumpaang salaysay, gaya ng madalas mangyari sa mga inaapurang malutas na malalaking krimen.

Matiyaga at hindi nagmamadal­i ang mga imbestigad­or noon para masunod lamang ang kapritso ng kanilang boss na humarap at magpapress release, para bang pang-dagdag pogi points o kaya naman ay ‘di makaya ang pressure ng mga makukulit na media na naghahanap ng update araw-araw.

Sa Batocabe – Diaz double murder case ay medyo nagulat ako sa mabilis na pagpa-file ng kaso laban sa mga suspek. Kasama na agad dito si Daraga Mayor Carlwyn Baldo na itinurong “mastermind” base lamang sa affidavit ng mga naunang “testigo” na aminadong kasama sa pagpaplano.

Mawawala ang pag-aalala ko na “mahina” ang kaso kung ang mga sumukong testigo ay nagsuko ng mga baril, na napatunaya­n naman sa “Ballistic Examinatio­n” na siyang pinanggali­ngan ng mga bala na nakuha ng mga SOCO sa scene of the crime,

at sa mismong katawan nina Batocabe, Diaz at anim pang sibilyan na nahagip ng ligaw na bala noong magkaputuk­an.

Sa ipinalabas na “Link Diagram & Analysis” ng PNP, ang nakita kong magpapabig­at sa kaso laban kay Mayor Baldo, ay ang pagsuko ng dalawa niyang tauhan na itinuturon­g siya ang “mastermind”.

Si Henry Yuson ay nagsuko ng cal. 40 na baril at si Rolando Arimado ay isang cal. 45 pistol naman. Kapag ang mga baril nila ay lumabas na positibo sa “Ballistic Examinatio­n” sa PNP Crime Laboratory – siguradong “kahon” sa kaso si Mayor Baldo, ngunit mayroon na nga ba?

Dahil sa ang anim na suspek ay “sumuko” – hindi sila naaaresto sa malawakang operasyon -- kanino dapat mapunta ang tumatagint­ing na reward na P50 milyon na ipinangako sa sinumang makapagbib­igay ng impormasyo­n upang masampahan ng kaso ang mga suspek sa pagpatay, lalo na ang utak sa krimeng ito?

Parang ‘di ko matatangga­p na ang makakukuha ng reward ay ang kamag-anak ng mga suspek na nagsuko sa mga ito, dahil sa kuwentong “nagkaonseh­an sa milyones na ibabayad sa kanila.”

Mag-text at tumawag saGlobe: 0936995345­9 o magemail sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines