Balita

Rochelle, touched sa ‘surprise baby shower’ ni Ate Guy

- Ni MERCY LEJARDE

SA lahat ng Christmas gifts na natanggap ni Rochelle Pangilinan last year ay sobrang touched siya sa regalo ng isa sa kanyang co-stars sa seryeng Onanay na si Nora Aunor, or Ate Guy to many, na isang baby stroller na punum-puno ng iba’t ibang infant items para sa isisilang na panganay nila na si Arthur Solinap.

Ibinahagi ni Rochelle ang kanyang labis na katuwaan sa kanyang social media account: “Share ko lang ang mga kaganapan. Simula nang nakilala ko sa Onanay

si Ms. Nora Aunor, napahanga na ‘ko sa ugaling ipinapakit­a niya sa ‘kin, sa fans niya, sa lahat ng tao sa set ng Onanay.

“Yung lagi ko siyang makaeksena ay sapat nang regalo sa ‘kin ngayong Pasko, pero ginulat niya ko sa pasurprise niyang gifts sa ‘kin. Biniro ko pa siyang ‘binigyan mo naman ako ng surprise baby shower’ sabay tawa namin.

“Pero nung pauwi na ‘ko ng bahay, ang naisip ko lang ay ‘yung naisip niya‘kongpagkaa­balahan o pag-isipan pa, puwede namang simple na Christmas gifts lang, like pagkain o gamit ng babae, etc.

“Pero naisip niya kami ng baby ko… pinag-isipan niya talaga!

‘Yung pagkaabala­han ka ng nag-iisang Superstar simula nunng bata pa ‘ko at binigyan ako ng halaga. Ang saya-saya talaga! Kaya pala maraming nagmamahal sa kanya at hanggang ngayon ay nandyan pa din sila.

“Hindi ako magsasawan­g ikuwento, hanggang sa magiging apo ko, ang kabutihan niyang ginawa sa lahat ng tao na nasaksihan ko, sa maikling panahon na nakasama at nakatrabah­o ko siya. Sa akin, maraming dahilan kung bakit nakilala mo ang isang tao, hindi aksidente lang. Sa dami ng naikuwento nya sa kin sa buhay na pinagdaana­n nya, marami akong natutuhan. I am really blessed.”

Well, iba talaga si Superstar Nora Aunor. Kaya hanggang ngayon ay hindi siya binibitawa­n ng mga Noranians worldwide and nationwide at patuloy siyang minamahal, hinahangaa­n at iniidolo. Loding-lodi ang arrived niya mula noon hanggang ngayon. Kaya naman hindi na nakapagtat­aka kung umabot na sa more than 100 episodes ang kanilang seryeng Onanay sa Kapuso network.

Hindi na rin nakapagtat­aka kung muli siyang mabigyan ng magagandan­g teleserye ng GMA ngayong 2019. Yeah, about that Ma’am Lilybeth Rasonable, Ma’am Redgie Acuña-Magno, at Ma’am CherylSySi­ng? Puwedeng-puwede, sa true lang.

 ??  ?? Rochelle at Nora
Rochelle at Nora

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines