Dennis, lalaban pa rin sa ratings game
MAGKATAPAT ang Kapamilya seryeng Ang Probinsyano at Cain at Abel ng Kapuso network sa primetime slot, na umeere pagkatapos ng news and current affairs, Mondays to Fridays. Habang si Coco ang bida ng AP, sina Dennis Trillo at Dingdong Dantes naman ang bumibida sa Cain at Abel.
Sa panayam kay Dennis, nabanggit niyang mahirap talunin ang FPJ’s
Ang Probinsyano as far as ratings ang napag-uusapan.
Sabi pa niya, they already accepted from the start that it will be a challenge for them to win in the ratings game, lalo na’t nakabuo na ng followings ang serye ni Coco mula nang umere sa telebisyon noong 2015.
Sey pa ng Kapuso actor, “’Yung ratings, parang noon pa lang tinanggap na namin na mahihirapan talaga kami lalo na kung maitatapat kami sa ‘Probinsyano’, siyempre.
“Pero noong nagsisimula kami, hindi naman namin alam kung saan slot kami ilalagay.
“So sa ganu’ng pag-iisip namin, ibinigay na lang talaga namin ‘yung 100% namin para in case na matapat man siya doon, e, lalaban.”
Uso man ang network war at ang kumpetisyon sa ratings game, hindi naman daw ito hadlang para maging magkaibigan ang mga aktor ng magkaribal na programa.
This was after FPJ’s Ang Probinsyano lead star, Coco, liked Dennis’ Instagram post about Cain At Abel last November 19. Pahayag ni Dennis, nagulat siya sa ginawa ni Coco, lalo na dahil hindi niya alam na pina-follow pala siya ni Coco sa Instagram. “Oo, na hindi ko naman alam na pinafollow niya ako. “Sabi ko, ‘Uy, nakakatuwa naman.’ “Parang mas na-inspire lang ako, mas lalo akong na-ano, siyempre, dahil hindi ko ine-expect na mangyayari ‘yun at gagawin niya ‘yung ganu’ng klaseng gesture.” Nag-umpisa ang career ni Dennis sa ABS-CBN bilang bahagi ng Star Circle Batch 1 at naniniwala siyang ang mga ganitong simpleng gestures ay patunay na ang gaya nilang celebrities ay hindi apektado ng so-called network war. “Nakakatuwa, dapat naman talaga, ganu’n, although nasa rival networks, sabihin na nating ganu’n, pero hindi natin kailangang maglagay ng barriers, ‘di ba?,” pagtatapos ng Kapuso actor.