Balita

‘Rainbow’s Sunset’, pasok sa Amsterdam filmfest

- Lito T. Mañago

NAKALUSOT ang pelikulang Rainbow’s Sunset nina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Gloria Romero sa CinemAsia Film Festival sa Amsterdam, Netherland­s na tatakbo mula March 5 at magtatapos sa March 10, 2019.

Ang LGBT-themed movie family drama na nagwaging Best Festival Picture sa Gabi ng Parangal ng 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) nu’ng December 27 sa The Theater at Solaire ay prodyus ng Heaven’s Best Entertainm­ent ni Harlene Bautista.

Maliban sa highest award ng MMFF 2018, itinanghal din itong winner ng Gat Antonio J. Villegas Cultural Award at kinilala rin si Joel Lamangan bilang Best Director.

Nakuha rin ni Eric Ramos ang karangalan bilang Best Screenplay at kinilala rin sina Gloria (Best Actress),

Tony (Best Supporting Actor), Aiko Melendez (Best Supporting Actress), at Eddie at Max Collins (Special Jury Prize for Acting) at iba pang technical awards.

Ang Rainbow’s Sunset ay isa sa walong official entries sa on-going MMFF (officially ay matatapos today, January 7, 2019) at showing pa rin ito sa mahigit 95 theaters sa buong kapuluan.

Aminado ang line producer ng pelikula na si Dennis Evangelist­a na nu’ng first two days ng festival ay nahirapan silang kumuha ng slot na paglalabas­an ng pelikula.

Nang mananalo ng ‘sangkaterb­ang awards sa Gabi ng Parangal, bumawi na ito at ang mga sinehang nawala sa second day ay naibalik at nadagdagan pa.

Nu’ng Sabado ng gabi, nagpa-block screening pa ang Digital Queen na si Kris Aquino bilang tulong niya sa producer ng pelikula.

After MMFF 2018, tuloy na ang pag-arangkada ng award-winning movie sa Amsterdam filmfest at iba pang internatio­nal film festivals sa buong mundo.

 ??  ?? Eddie, Gloria at Tony
Eddie, Gloria at Tony

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines