Balita

Ginebra Kings, sasalang sa PBA opening

- Marivic Awitan

TIYAK na isa ang itinuturin­g na “crowd favorite” Barangay Ginebra San Miguel sa mga koponang maglalaro sa pagbubukas ng 44th Philippine Basketball Associatio­n season sa Enero 13 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Bagamat wala pang opisyal na anunsiyo, naghahanda na ng husto ang Gin Kings para sa opener at sa katunayan, dalawang beses silang nag-iensayo.

Bukod sa kanilang inaasahang opening game, pinaghahan­daan na rin ng tropa ni coach Tim Cone ang nakatakda nilang laro sa Guam, isang linggo matapos ang opening day kung saan kasama nila ang Alaska at Kia Picanto.

Ito ang unang pagkakatao­n makalipas ang tatlong taon na magdaraos ng regular games ang liga sa ibang bansa matapos ang paglalaro nila sa Dubai noong 2015.

Bagamat nahaharap sa mabigat na schedule sa season opener, walang nakikitang problema si coach Tim Cone na naniniwala­ng kaakibat ito ng kanilang pagiging pinaka popular na koponan sa liga.

“I told the guys that’s the curse and blessing of being a member of Ginebra,” ani Cone. “You’re going to be asked to do things because of your popularity, your fan base, that other teams aren’t gonna be asked for.”

At ito ang dahilan kung kaya naghahanda silang mabuti upang hindi naman mabigo ang kanilang mga fans.

“The idea of being a member of this group and that fan base overrules any inconvenie­nces that we may have. We’ll come out,” pahayag ng most winningest coach ng liga.

“As I’ve said we’re going deep into our two-a-days, and we haven’t gone this hard in our two-a-days during the nineties, in my mind.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines