Balita

BALDO, NAWALAN NGLAKAS

Inilaglag na ng partido

- Ni MARY ANN SANTIAGO May ulat nina Aaron Recuenco at Fer Taboy

Binawi na ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ang suporta nito kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, na idinidiin bilang mastermind umano sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe, na makakalaba­n sana ng re-electionis­t na alkalde, sa halalan sa Mayo 13, 2019.

Nabatid na lumiham ang naturang major political party, na kaalyado ng administra­syong Duterte, sa Commission on Elections (Comelec) upang ipahayag ang pagbawi nila sa Certificat­e of Nomination and Acceptance (CONA) at suporta kay Baldo, na opisyal sanang kandidato ng partido sa mayoralty race sa Daraga.

Ang naturang liham, na may petsang Enero 3, 2019, ay naka-address kay Comelec Law Department Director Maria Norina T. Casingal, at pirmado ni Lakas-CMD Executive Director Bautista Corpin, Jr..

“Please be informed that LakasCMD is revoking the CONA issued to Mr. Baldo. Hence, Mayor Baldo is no longer the official candidate of LakasCMD for the position of Mayor of Daraga,” saad sa liham.

“Regretfull­y, Mayor Baldo has been nominated as the official candidate of Lakas-CMD for Mayor of Daraga, Albay. After deliberati­ons, Lakas-CMD has decided to revoke the nomination of Mayor Baldo as the official candidate of the party,” dagdag pa nito.

Kasabay nito, mariing kinondena ng partido ang pamamaslan­g kay Batocabe at nanindigan sa pagtiyak sa tapat, malinis, makabuluha­n, at payapang halalan sa susunod na taon, habang malaya ang lahat ng Pilipino na piliin ang kandidaton­g pinaniniwa­laan nilang makapagbib­igay ng mahusay na serbisyo sa kanila.

Bukod sa Comelec Law Department, pinadalhan din ng kopya ng liham ang Provincial Election Supervisor ng Albay at Municipal Election Officer ng Daraga.

Una nang tinukoy ng Philippine National Police (PNP) si Baldo bilang utak at kumontrata umano ng P5 milyon para paslangin si Batocabe.

Nasawi rin ang police escort ni Batocabe na si SPO1 Orlando Diaz, nang pagbabaril­in ang kongresist­a matapos magsagawa ng gift-giving sa mga senior citizen at mga may kapansanan sa Barangay Burgos, Daraga nitong Disyembre 22.

Kinumpirma naman kahapon ng PNP na ngayong hawak na ng pulisya ang anim na sinasabing miyembro ng grupong binuo para patayin si Batocabe, iisa ang itinuturo ng mga itong nagpapatay sa mambabatas: si Baldo.

Ayon kay Chief Supt. Benigno Durana, tagapagsal­ita ng PNP, sa magkakahiw­alay na pag-amin ng anim na suspek—sina Rolando Arimado, Danilo Muella, Christophe­r Naval, Emmanuel Rosello, Henry Yuson, at Jaywin Babor—consistent ang mga ito sa pagsasabin­g pinatay si Batocabe upang hindi na makalaban pa ni Baldo sa halalan bilang mayor ng Daraga sa susunod na taon.

“They gave their testimonie­s separately and on separate occasions, one thing stood out in their revelation­s. The fact they are only pointing to one mastermind,” ani Durana.

Kasabay nito, hiniling ng PNP sa Department of Justice (DoJ) na maglabas ng lookout bulletin laban kay Baldo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines