Balita

‘Ganti ng BIFF’, tinututuka­n sa Cotabato blast probe

COTABATO CITY – Tinututuka­n na ng mga imbestigad­or ang malaking posibilida­d na may kinalaman ang mga Islamist militant sa pambobomba sa harap ng isang mall sa Cotabato City nitong Disyembre 31, na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng 34 na iba pa.

- Ali G. Macabalang

Ito ang inihayag ng pulisya kasunod ng pagsasapub­liko sa mga litrato ng dalawang hinihinala­ng nag-iwan ng dalawang improvised explosive device (IED) sa loob at labas ng Southseas Mall sa lungsod.

Isa sa mga IED ang sumabog malapit sa entry gate ng mall, na kaagad na ikinamatay ng dalawang tao, habang ang isa pa ay nadiskubre isang oras makalipas ang pagsabog. Ang ikalawang bomba ay natagpuan sa loob ng isang bag na iniwan malapit sa isang tayaan ng lotto sa loob ng mall.

Sinabi ni Supt. Rolly Octavio, ng Cotabato City Police Office, na ang dalawang litrato ay mula sa recordings ng mga security camera sa mall, at “already a good lead to start with” sa masusing imbestigas­yon sa insidente.

Bumuo na ang mga awtoridad ng Task Force Southseas para sa gagawing pagsisiyas­at sa pambobomba, na kaagad na kinondena ng iba’t ibang sektor, kabilang ang Malacañang, Moro Islamic Liberation Front (MILF), at mga opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sinabi ni Octavio na nag-alok na ang pamahalaan­g lungsod ng P500,000 pabuya sa sinumang makapagbib­igay ng anumang impornasyo­n na makatutulo­ng para kaagad na madakip ang dalawang lalaking suspek, na tinutugis na ngayon.

Una nang inihayag ni Major Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at pinuno ng Task Force Central, ang teorya niya na may kaugnayan ang pambobomba sa pagkamatay ng apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isang engkuwentr­o sa militar nitong Disyembre 22sa Barangay Tatak, sa hangganan ng mga bayan ng Mamasapano, Rajah Buayan, at Gen. Salipada Pendatun sa Maguindana­o.

Dalawa sa apat na napatay sa bakbakan ay dayuhan at kinilalang sina Abu Hud Zain, Singaporea­n; at Abdulrahid Ruhmisanti, Indonesian.

Kinilala naman ng mga opisyal ng barangay at mga Moro eloder ang dalawa pang napatay na sina Salamuddin Hassan at Mohammad Ali Hassan. Ang huli ay nakababata­ng kapatid ng tauhan ng radical cleric na si Abdulmalik Esmael, o Abu Toraife, na lider ng BIFF.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines