Balita

Sa pagtatapos ng pagdiriwan­g ng Kapaskuhan

- Clemen Bautista

NATAPOS o nagwakas na ang pagdiriwan­g ng Christmas season o Kapaskuhan kahapon -- ika-6 ng Enero na pagdiriwan­g naman ng kapistahan ng Tatlong Hari o Three Kings. Ayon sa Bibliya, ang Tatlong Marunong (wisemen) hindi mga hari tulad ng nakaugalia­n at nakasanaya­ng tawag sa kanila, ay dumalaw

sa Banal na Sanggol na isinilang sa isang sabsaban sa Bethlehem. Ang pagdalaw ng Tatlong Hari sa Banal na Sanggol ay ginabayan ng isang tala o bituin (star of Bethlehem). Nalaman nila ang lugar na pinagsilan­gan ng Banal na Sanggol dahi dito. Sinamba nila Sanggol at inialay ang kanilang handog o aguinaldo na ginto, mira at insenso. Ang pag-aalay ng Tatlong Hari sa Banal na Sanggol ay hindi nila inasahang may kapalit.

Ang pagbibigay ng aguinaldo ng Tatlong Hari sa Banal na Sanggol ang naging batayan ng pagbibigay­an ng regalo sa panahon ng Kapaskuhan. Ang gawing ito ay inialay nila sa diwa ng kababaang-loob, pag-ibig at pagsamba at kailan man ay hindi nila ipinaghint­ay ng kabayaran o kapalit. Ang pagdiriwan­g na ito ay kasabay ng pagdiriwan­g ng pista sa Gapan, Nueva Ecija at Mabitac, Laguna. Tampok sa Mabitac, Laguna ang paghahagis ng perang barya at papel mula sa

balkonahe ng munisipyo. Ang naghahagis ng pera ay ang mayor at mga miyembro ng Sanggunian­g Bayan.

Ito ay hudyat ng pagtatapos ng pagdiriwan­g ng panahon ng Christmas season o kapaskuhan. Ang Christmas season ay nag-iiwan ng iba’t ibang alaala at gunita sa ating mga kababayan. Nasa Pilipinas man sila o nasa ibang bansa, sa mga Pilipino, ang Christmas season ang pinakamasa­ya at pinakamaku­lay na pagdiriwan­g. Isang natatangin­g panahon kung saan ipinakikit­a ng mga Pilipino ang kanilang kabaitan at kagandahan­g-loob sa iba nating mga kababayan, lalo na sa mga mahirap, kapuspalad, busabos at mga anak ng dalita.

Iba’t ibang alaala at gunita ang iniwan ng nakaraang Pasko. Masaya. Malungkot. Matamis. Mapait. At may hatid na kirot sa puso at kalooban lalo na para sa mga kababayan nating malayo sa mga minamahal sa buhay.

Dahil din tapos na ang Christmas season, lahat ng mga palamuting pamasko sa mga tahanan, sa mga malalaking business establishm­ent, mga pampubliko at pribadong tanggapan ng pamahalaan ay tinatangga­l na at itinatabi.

Sa parokya ni Saint Clement sa Angono, Rizal, ang tatlong malaking estrelya na nakasabit sa loob ng simbahan sa tapat ng altar at Belen at ang 16 na maliliit na parol ay inaalis na. Ang mga ito ang tampok na tanawin sa loob ng simbahan mula ika16 ng Disyembre hanggang sa pagdiriwan­g ng kapistahan ng Tatlong Hari.

Ang pagtatapos ng Kapaskuhan ay nagiiwan ng iba’t ibang makulay at makahuluga­ng alaala at gunita sa puso ng ating mga kababayan na may matibay na pananalig sa Banal na Sanggol na isinilang sa Bethlehem, ang pangakong alay sa sangkatauh­an ng Diyos Ama na tutubos sa sala ng sangkatauh­an.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines