Balita

Gary at Kiana, hahataw sa Asian TV Awards

-

ANG mag-amang Gary at Kiana Valenciano ang dalawa sa internatio­nal artists na magpeperfo­rm sa 23rd Asian TV Awards (ATA) na magaganap sa Borneo Convention Centre Kuching (BCCK), Sarawak, Malaysia sa January 12 & 13. Kabilang din sa mga performers ang sikat na boy band ng Korea, ang SF9; Malaysian actor na si Alvin Chong; German singer na si Trong Hieu; Singaporea­n singer na si

Gina Tan; Indonesian singer na si Via Vallen; at ang Chinese singer/ songwriter na si Qu Wanting.

Pasok din bilang isa sa mga host ang former GMA reporter at fiancé ni Aicelle Santos (kasalukuya­ng gumaganap na Gigi Van Trahn sa internatio­nal tour ng Miss Saigon) na si Mark Zambrano.

Ang Pambansang Bae na si

Alden Richards at Bubble Gang mainstay at ATA awardee for Best Comedy Actor na si Michael V. ang kauna-unahang Pinoy celebritie­s na nag-host ng ATA sa Singapore.

Ilan sa mga nominado sa performanc­e categories na nagmumula sa ‘Pinas ay sina Maja

Salvador para sa kanyang pagganap sa Wildflower ng ABS-CBN bilang Best Actress in a Leading Role;

Adrian “Luis” Alandy para sa role niya sa Tabi Po The Series ng Cignal TV bilang Best Actor in a Supporting Role; Eugenio “Boy” Abunda bilang Best Current Affairs Presenter para sa programa niyang The Bottomline

with Boy Abunda, na nominado rin bilang Best Talk Show.

Nominado rin sa ATA ang programang Basketball Program

(Cignal TV) at si Carlo Pamintuan bilang Best Sports Presenter/ Commentato­r ng “43rd Philippine Basketball Cup (Cignal TV), at ang

Mi Amor bilang Best Theme Song ng programang Tabi Po The Series ng Cignal TV.

Kapansin-pansin na walang lumusot sa mga programang prodyus ng GMA Network ngayong taon. Maliban kina Maja at Kuya Boy at ang programang The Bottomline

with Boy Abunda, wala na ring iba pang personalid­ad o programa ang pumasok sa ABS-CBN.

Sa loob ng 23 years ng ATA, tanging GMA pa lang ang nakakasung­kit ng karangalan bilang Best Terrestria­l Television Station of the Year noong 2005.

Ang Asian TV Awards ay nakabase sa Singapore at first time itong ie-stage sa labas ng tinagurian­g Merlion City ng Asya.

 ??  ?? Gary Kiana
Gary Kiana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines