Balita

Ika-16 na labas

-

MATAGAL na tinitigan ni Leo ang asawa. Nanunuri.

“Me pintig?” ulit niya. Tumango lang ito. Saglit siyang sinulyapan at agad din namang binawi at itinuon ang tingin sa labas.

Paano ka naman mabubuntis, e nasa destino ako. Maliban na lang kung may lalaki ka. O kaya’y niloko mo ako, ibig niyang isumbat sa asawa. Pero naipagpasa­lamat niyang hindi niya iyon naisatinig. Sa halip, mas sinikap niyang magpakahin­ahon. Naisip niya, hindi ito ang tamang panahon para sumbatan at akusahan niya ang kanyang asawa. Lalo pa’t wala naman siyang matibay na ebidensiya. Walang katuturan, kung magpapadal­a siya sa kanyang hinala. Marami nang naghiwalay na mag-asawa nang dahil lamang sa maling hinala. Naniniwala siya, oras na lamunin ng maling hinala ang isip ng tao, nagiging sarado na ang pandinig nito sa mga paliwanag. At ayaw niyang malason sa maling hinala. Pang-unawa, naisip pa niya, ang higit na kailangan nito mula sa kanya at hindi kung ano pa man. Siya ang asawa, siya ang higit na makaunawa sa sitwasyon nito. Sa ganitong pagkakatao­n higit na kailangan ang isang pamilya.

“S’yempre hindi naman ako naniwala sa sinabi ng doktor,” putol ng kanyang asawa sa gitna ng pananahimi­k niya. Nababasa siguro nito ang nasa isipan niya. “Pati si Nanay, nagtataka rin kung pa’nong nangyari ‘yon. E, di ba, nasa destino ka nga?”

“’Yon na nga, pa’no nangyari ‘yon?”

“Kaya sabi ni Inay, bakit daw hindi uli ako magpatawas kay Lolo Onyong. Baka nga daw may kaugnayan ang pagbubunti­s ko sa nauna niyang pagtawas sa akin.”

Kinikilabu­tan si Leo nang marinig ang iba pang salaysay ni Minda. Mga salaysay na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Na ayon nga raw sa albularyo, totoong buntis nga ang kanyang asawa. Ayon sa naging resulta ng pagtatawas nito. Totoo naman ang sinabi ng doktor. Pero hindi tao ang ipinagbubu­ntis ng kanyang asawa, kundi isang ahas. At ang nakikita ng doktor sa

ultrasound, pintig daw iyon ng isang ahas at hindi pintig ng tao. Malinaw na pati ang doktor, nilinlang ng engkanto. Ganoon daw kabagsik ang kapangyari­hang taglay ng engkanto. Kayang manlinlang, kahit sino. At walang sinumang karaniwang tao ang makapipigi­l sa angking kapangyari­han ng mga engkanto.

Nang malaman daw ng albularyo ang lagay ng kanyang asawa, nang oras ding iyon, gumawa ng ritwal ang albularyo para mailabas agad ang ahas sa sinapupuna­n ng kanyang asawa. Sa lalong madaling panahon, mas mabuti. Hindi raw dapat hayaang tumagal o lumaki pa ang ahas sa loob ng sinapupuna­n nito, dahil mauuwi raw ito sa kamatayan ng kanyang asawa. Isang kahindik-hindik na kamatayan. Iyon daw ang sumpa ng engkanto. Bilang kapalit sa namatay o pinatay na alagang ahas nito. Sinadya man o hindi. Lalabas na buhay ang ahas, pero kapalit ng kamatayan ng kanyang asawa.

Sa mahiwaga at makapangya­rihang orasyon ng albularyo, na tanging ito lamang ang nakakaalam, at kasabay ng ritwal ng paghampas-hampas ng mga dahon-dahon, pagsusuob o pagpapauso­k mula sa baga na nakalagay sa bao ng niyog na may abo, na nilagyan ng kamanyang at pagkatapos ay ipinaikot sa buong katawan ni Adela, napalayas daw ng albularyo ang engkantong lumulukob sa pagkatao sa kanyang asawa at matagumpay na nailabas ang ahas sa sinapupuna­n nito. Wakas

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines