Balita

Adducul, sabak sa Blackwater

PAMILYARID­AD sa sitwasyon at karanasan ang bentahe sa pagbabalik PBA ni Rommel Adducul bilang assistant coach ng Blackwater Elite sa pagbubukas ng 44th season ng liga.

- Marivic Awitan

Pormal siyang nagsimula nitong Disyembre 27.

Kabilang sa kanyang tungkulin ang i-develop ang mga batang frontcourt players ng koponan upang mapunan ang pagkawala ng kanilang reliable 6-foot-8 center na si Poy Erram.

“Masaya ako na nakabalik ako sa PBA,” pahayag ni Adducul. “Kasi before assistant din ako sa GlobalPort. Fortunatel­y, nabigyan ako ng opportunit­y ni coach Bong magturo sa mga big man nila. Kaya naman sobrang thankful ako.”

Muling nagkasama ang 42anyos na pride ng Tuguegarao, Cagayan at si Elite head coach Bong Ramos na dating assistant coach sa Manila Metrostars sa MBA, kung saan isa si Adducul sa mga star player.

“Si coach Bong since nung MBA days pa naging coach ko siya, kaya alam niya pasok sa system niya yung ginagawa ko before when I was playing basketball,” ayon pa kay Adducul.

“Kinuha ko sya para tulungan kami kasi wala kaming big man masyado. Maganda naman tinuturo niya. Tugma dun sa sistemang ginagawa ko kaya nga siya yung kinausap ko,” pahayag naman ni Ramos.

Wala namang gaanong problema ayon kay Adducul sa pagtuturo niya sa kanilang mga big men na sina Abu Tratter, Raymar Jose, at Mac Belo na inaasahang mag-ii-step-up para sa nabakanten­g puwesto ni Erram na na-trade kamakailan sa NLEX kapalit nina Paul Desiderio at Abu Tratter.

“Okay naman sila, nagagawa nila isang turo ko lang.Isang turo ko lang kuha kaagad. Pero constant repetition pa rin,” sambit ni Adducul. “Pag may nakikita akong mali nila na puwede pa nilang i-improve, naku-correct namin. Very accommodat­ing yung mga big man namin dito.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines