Van vs trike: Buntis, 3 pa dedo

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni FER TABOY

Patay ang apat na katao, kabilang ang isang buntis habang tatlo pa ang nasugatan nang magsalpukan ang sinasakyan nilang pampasaherong van at tricycle sa Barangay Apopong, General Santos City, South Cotabato, kahapon.

Sa report ng General Santos City Police, nakilala ang mga nasawi na sina Lenny Rose Sobreo, 30, na isang pitong buwang buntis; Josefina Requintosa, 65, taga-Puting Bato, Calumpang; Antonio Sobreo, Jr, driver; at Annilyn Rose Sobreo, 2, pawang taga-Purok Bayanihan, Polomolok ng nasabing lalawigan.

Dead on the spot ang mga ito dahil sa matinding pinsala sa kanilang ulo at katawan.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga sakay ng van na sina Joana Marie Arancillo, 15, at Loren Arsolo, ng nasabing lungsod, at mary Joy Requintosa, 11, dahil sa mga sugat sa katawan.

Sa report, patungo sana sa Polomolok ang tricycle na nasa inner lane habang nasa kabilang lane naman ang van na patungong Makar, South Cotabato na biglang nag-overtake sa isang tricycle.

Hindi napansin ng driver ng van ang kasalubong na tricycle na nagresulta sa salpukan.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang driver van na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at serious physical injuries.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.