Nagbenta ng atay para magka-iPhone

Balita - - Pangunahing Pahina -

Labimpitong gulang pa lang si Xiao Wang nang magdesisyon siyang ibenta ang isa sa kanyang mga atay para makabili ng iPhone4 na hindi niya afford bilhin.

Matapos ang operasyon sinabi ng doktor na magiging normal pa rin ang kanyang buhay sa kabila ng iisa lang ang kanyang atay, ngunit makalipas ang walong taon, permanenteng disabled na ang 24-anyos na si Wang, na nakadepende na lang sa dialysis.

Taong 2011, nang ilabas ng Apple ang iPhone4 at ito ang status symbol sa paaralan ni Wang sa Chengzhou, China. Dahil walang sapat na pera para makabili ng trendy gadget, naisip niya na ibenta ang kanyang malusog na atay para sa iPhone.

Sa tulong ng middleman, nakipagkasundo si Wang na ibenta ang kanyang atay sa black market sa halagang 22,000 yuan ($3,200), at isinagawa ang pagtanggal sa atay ni Wang sa isang ilegal na ospital sa Chenzhou, na inakala niyang matagumpay.

“Unfortunately, the operating environment wasn’t sanitized properly, which led to an infection on his wound,” ulat ng Oriental Daily.

Dahil walang alam ang kanyang mga magulang sa naging desisyon niya, kumalat ang impeksiyon sa natitira niyang atay, at nang ipagamot na siya ay malala na ang kanyang sakit.

Kinasuhan naman ng mga magulang ni Wang ang middleman at doktor na nag-opera sa kanya at nakakuha sila ng 2.2 million yuan ($320,000) na bayad-danyos.

Samantala, hindi naman malinaw kung nakabili ng iPhone si Wang mula sa pinagbentahan ng kanyang atay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.