Balita

GOLD MEDALIST BOWLER, NIRAPIDO

- JUAN CARLO DE VELA

VIVA, SEÑOR STO. NIÑO! Ibinida ng mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersida­d at kolehiyo ang makukulay nilang costumes habang humahataw ng sayaw sa Sinulog 2019 launching parade sa Osmeña Boulevard sa Cebu City nitong Biyernes ng hapon, isang linggo bago ang aktuwal na taunang selebrasyo­n sa Linggo, Enero 20.

Patay ang isang gold medalist bowler nang pagbabaril­in ng

‘di pa nakikilala­ng salarin sa loob ng bowling center sa Greenhills, San Juan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director, Police Chief Supt. Bernabe Balba, dead on arrival si Angelo Nathaniel Constantin­o, nasa hustong gulang, general manager ng E-lanes Bowling Center, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng San Juan City Police, na pinamumunu­an ni Police Senior Supt. Dindo Reyes, naganap ang krimen sa loob mismo ng E-Lanes Bowling Center na matatagpua­n sa 416 Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan City, bandang 5:00 ng hapon.

Nagmemerye­nda umano ang biktima sa isang cafeteria na matatagpua­n sa loob ng naturang bowling center nang pumasok ang salarin at nagpanggap na customer.

Nang makita ang biktima ay agad umanong ng salarin at pinagbabar­il.

Nang matiyak na napuruhan ang target, mabilis na tumakas ang salarin, sakay sa dilaw na scooter, na minamaneho ng kasabwat nito, patungo sa direksiyon ng Aurora Boulevard, sa Quezon City.

Bigo ang mga saksi na makilala ang salarin, na inilarawan­g nakasuot ng asul na T-shirt at denim shorts at naka-face mask.

Napag-alaman na si Constantin­o ay miyembro ng Philippine national bowling team, na lumahok sa World Youth Bowling Championsh­ip sa Venezuela noong 1992, at nakapag-uwi ng gintong medalya.

 ??  ??
 ??  ?? Constantin­o
Constantin­o

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines