DoH: Walang pneumonia outbreak

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Nilinaw ng Department of Health (DoH) na walang pneumonia outbreak sa bansa, taliwas sa ulat na kumakalat ngayon sa social media.

Sa katunayan, ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, nabawasan pa ang mga kaso ng pneumonia na naitala ng DoH noong nakaraang buwan, kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

Nabatid na ang pneumonia ay isang impeksiyon sa baga, na kumplikasyon ng trangkaso at maaaring magdulot ng kamatayan kung lalala at mapapabayaan.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Domingo ang publiko upang maiwasan ang mga kumplikasyon ng trangkaso, gaya ng pneumonia, lalo na ngayong usung-uso ang trangkaso.

“It is flu season and we urge everybody to take extra care and exercise proper hygiene,” ani Domingo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.