Umento sa gobyerno, sa Pebrero na

Balita - - Balita - Beth Camia

Inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na ipatutupad na sa susunod na buwan ang 4th tranche ng salary adjustments para sa mga empleyado ng pamahalaan.

“With pronouncements from Congress that budget bill will be their top priority upon resumption next week, we expect the GAA (General Appropriations Act) to be signed first week February,” sinabi ni Diokno sa isang news release nitong Biyernes.

Dagdag ng kalihim, panibagong dagdag-sahod para sa mga government employee ang nakatakdang ipatupad sa 2020.

Samantala, naghahanap naman ang Governance Commission for GOCCs (GCG) ng independent firm na magsasagawa ng pag-aaral hinggil sa wage structure ng mga empleyado ng pamahalaan at sa mga katapat nitong pribadong sektor.

Gagamitin umano ng DBM ang makukuhang datos sa paggawa sa bagong salary schedule ng mga manggagawa ng pamahalaan na ipatutupad sa 2020.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ang GCG ng procurement para sa mga researchers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.