Balita

2 Maute-ISIS remnants, sumuko

- Francis T. Wakefield

Dalawang pinaniniwa­laang remnants ng Maute-ISIS ang sumuko sa militar sa Lanao del Sur, nitong Biyernes ng umaga.

Sa report ng militar, ang dalawang terorista ay sumurender sa kampo ng 55th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) sa Pagayawan, Lanao del Sur, nitong Biyernes dakong 9:00 ng umaga.

Isinuko rin umano ng dalawa ang isang caliber KG 9 sub-machine gun at isang cal. 55 pistol.

Ang dalawa ay kaanib ng grupo ni Abu Dar, ang naging lider ng Maute-ISIS matapos ang matagumpay na military operations na nagwakas sa limang-buwang Marawi siege noong 2017.

“Based on our initial custodial debriefing, the two were tired of running and evading our troops,” ayon kay 55th IB Commander, Lt. Col. Ian Ignes.

Ayon naman kay Col. Romeo Brawner, commander ng 103rd IB na nakabase sa Marawi, patuloy pa rin ang isinasagaw­a nilang operasyon laban sa mga terorista upang hindi maantala ang rehabilita­syon ng siyudad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines