11.6-M pamilya, hikahos—survey

Balita - - Balita - Beth Camia

Nasa 11.6 milyong pamilyang Pinoy ang naniniwalang mahirap sila sa isang survey nitong huling quarter ng 2018. Mas mababa ito kumpara sa 12.2 milyon na umaming mahirap noong nakaraang quarter. Ayon sa Social Weather Station (SWS), sa isinagawa nilang pag-aaral noong Disyembre 16-19, 2018 sa 1,440 respondents sa bansa, nasa 50% ng mga pamilyang Pinoy ang nagsabing hirap pa rin sila sa buhay. “The resulting average self-rated poverty rate of 48% for 2018 is 2 points above the average 46% in 2017, and 4 points above record-low average of 44% in 2016.This is the second consecutive increase in the annual self-rated poverty rate since 2016,” paliwanag ng SWS.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.