Apela ng Reuters reporter, ibinasura

Balita - - Balita -

YANGON (Reuters) – Tinanggihan nitong Biyernes ng korte ng Myanmar ang apelang inihain ng dalawang mamamahayag ng Reuters, na kapwa sinentensiyahan ng pitong taong pagkabilanggo sa kasong “breaking the Official Secrets Act,” dahil wala umanong naipakitang sapat na ebidensiya ang depensa para patunayang inosente ang dalawa.

Setyembre nitong nakaraang taon, hinatulang nagkasala sina Wa Lone, 32; at Kyaw Soe Oo, 28, ng lower court ng Myanmar, na nagdulot ng mga kuwestiyon hinggil sa demokrasya sa bansa at mga panawagan mula sa mga human rights advocate sa iba’t ibang bansa.

“It was a suitable punishment,” pahayag ni High Court Judge Aung Naing, hinggil sa pitong taong hatol ng korte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.