Duterte may respeto sa pananampalatayang Kristiyano –Palasyo

Balita - - Balita - Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at BETH CAMIA

Sinabi ng Malacañang na patuloy na nirerespeto ni Pangulong Duterte ang pananampalatayang Kristiyano sa kabila ng patuloy niyang pagbatikos sa Simbahang Katoliko.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos na makatanggap ng kritisismo si Pangulong Duterte nang magbirong holdapin ang mga bishop dahil maraming pera ang mga ito.

Sa isang pahayag nitong Biyernes ng gabi, ipinaliwanag ni Panelo na patuloy na nirerespeto ni Duterte, sa kabila ng pag-atake nito sa Simbahang Katoliko, ang pananampalataya ng mga ito.

“PRRD’s signing of Republic Act No. 11163, otherwise known as the National Bible Day Act, which recognizes the value of the Holy Bible, as the core of Christianfaith, and of its reading, as a communion between Christians and their Creator,” binanggit ni Panelo ang bagong batas, na nagdedeklara sa huling Lunes ng Enero bilang special working holiday. Binanggit din ni Panelo ang mensahe ni Duterte kung saan nakiisa siya sa lahat ng Pilipinong Katoliko at mga deboto ng Itim na Nazareno sa paggunita sa taunang Traslacion.

“The President’s actions show that he recognizes the fundamental role of religion in the lives of the Filipino people, all with its rich cultural, social and ethnic diversity. It is therefore his fervent hope that the free exercise of all religions pursuant to the Constitution shall aid and encourage the development of the moral character and spiritual foundation of our citizens,” aniya.

Gayunman, sinabi ni Panelo na inaasahang muling babatikusin si Duterte sa kanyang sinabi.

“If only these detractors do not turn a blind eye to the context of the President’s speeches and momentarily suspend their incorrigible biases, they will be one with the majority of the Filipinos in comprehending what the President means,” sinabi niya. Ipinaliwanag ni Panelo ang ipinahayag ni Duterte.

“Listening to his speech with an open mind and watching his body language, one can easily discern that PRRD was only airing his sentiments against some Church leaders who are living in luxury, contrary to their teachings,” aniya.

“His use of figures of speech, as we have repeatedly emphasized, is his style in articulating and dramatizing a point. In the case instant, he wishes to stress the failure of some bishops to empathize with the masses as they live comfortably in their rectories while the latter endures the vestiges of poverty,” dagdag ni Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.