‘National Day’ para sa LGBT

Balita - - Balita - Bert de Guzman

Ipinasa ng House Committee on Women and Gender Equality, sa pamumuno ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy, ang panukala na nagdedeklara sa Mayo 17 ng bawat taon bilang “National Day Against Homophobia, Biphobia and Transphobia.” Ang panukalang inakda nina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Manila Rep. John Marvin Nieto ang ipinalit sa House Bill Nos. 4413 at 8364. Sinabi ni Zarate na ginugunita ang “International Day Against Homophobia and Transphobia” tuwing Mayo 17, ang kaparehong petsa noong 1990 nang tanggalin ng World Health Organization (WHO) ang homosexuality mula sa International Classification of Mental Disorders

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.