Balita

21 patay sa avalanches

-

BELGRADE, Serbia (AP) — Muling naparalisa ng matinding snow ang malaking bahagi ng Europa, sa sunud-sunod na pagragasa ng mga avalanche tulad ng nangyari sa isang Swiss Hotel kung saan apat na katao ang binawian ng buhay.

Patuloy na tinatangga­l ng mga manggagawa sa Hotel Saentis sa Switzerlan­d ang 300-metrong lawak na avalanche na bumasag at pumasok sa mga bintana ng hotel.

Sa Germany, 66 na teenager ang iniligtas ng militar matapos maipit sa bundok dulot ng makapal na snow.

Sa kabuuan, hindi bababa sa 21 katao na ang namatay dulot ng matinding snow sa Europa sa loob ng sampung araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines