Pagpatay sa OFW, iniimbestigahan bago pauwiin

Balita - - Balita - Bella Gamotea

Hinihintay pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-apruba ng Saudi Arabia sa repatriation sa labi ng overseas Filipino worker (OFW), na pinatay sa saksak ng kapwa Pinoy kamakailan.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, inaasahang mag-iisyu ng pagapruba ang mga awtoridad pagkatapos ng kanilang imbestigasyon sa insidente.

Sa natanggap na ulat ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas, kahapon inaasahang matatanggap na ng mga awtoridad ang report sa autopsy na isinagawa kamakalawa.

Inihayag naman ni Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto na ang suspek ay nananatiling “serious but stable condition” sa National Guard Hospital sa Riyadh habang nilalapatan ng lunas sa tinamong mga sugat dulot ng pagtalon mula sa ikatlong palapag ng tinutuluyang apartment building.

Panawagan ni Ambassador Alonto sa mga miyembro ng Filipino Community sa Saudi Arabia, iwasan ang pagpapakalat ng mga espekulasyon at hindi beripikadong impormasyon ukol sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.