Balita

Protesta ng mga guro sa Anthens, nauwi sa gulo

-

ATHENS (Reuters) – Pinaulanan ng teargas ng mga pulis sa Greece ang daandaang guro na nagprotest­a laban sa plano ng pamahalaan na baguhin ang paraan ng pagtanggap ng mga empleyado sa gobyerno.

Mahigit 2,000 raliyista, na karamihan ay miyembro ng Communist affiliated group na PAME, ang nagmartsa habang iwinawagay­way ang pulang bandila at isinisigaw ang slogan kontra sa education ministry bill.

Nauwi sa gulo ang protesta ng tangkain ng grupo na umabot sa opisina ng prime minister.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines