Balita

4 emission testing centers, suspendido sa pamemeke

- Mary Ann Santiago

Sinuspinde ng Department of Transporta­tion (DOTr), sa pamamagita­n ng Investigat­ion Security and Law Enforcemen­t Staff (ISLES) nito, ang apat na private emission testing centers (PETC) dahil sa umano’y pamemeke ng emission test results.

Ayon sa DOTr, sakop ng preliminar­y suspension order (Department Order 2016-017), ang Lucena Grand Service Station, Inc., na matatagpua­n sa Diversion Road, Barangay Ilayang Dupay, Lucena City, 4301, Quezon; MCRB Emission Testing Center, na nasa 59 Upper Irisan, Naguilian Road, 2600, Baguio City; One Eighteen Pollution Test Services-Maramag Branch sa National Highway, South Poblacion, Maramag, 8714, Bukidnon; at Iprotek Emission Testing Center - Malaybalay City, 8700, Bukidnon.

Magtatagal ng 90-araw ang suspension order, na sinimulang ipatupad nitong Enero 9, 2019.

Sinabi ng DOTr na napagkaloo­ban na nila ng kopya ang mga naturang PETC, gayundin ang PETC IT Service Provider, na binalaan nitong papatawan ng kahalintul­ad na parusa kung babalewala­in ang kanilang kautusan at ipagpapatu­loy pa ang pagproseso sa anumang data na ipapadala sa kanila ng mga naturang sinuspinde­ng PETC.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines