5-6 lender dedo sa gunman

Balita - - Balita - Jun Fabon

Agad na pinaimbestigahan ni Quezon City Police District (QCPD) director, Police Chief Supt. Joselito T. Esquivel, Jr ang pananambang sa nagpapautang o 5-6 lender sa Barangay Commonwealth Market, Quezon City, kahapon.

Kinilala ang biktima na si Emilio Leomo y Corpuz, 54, tubong Camarines Sur at nakatira sa No. 445 Steve Street, Bgy. Commonwealth.

Tinutugis naman ang suspek, na inilarawang nakasuot ng itim na jacket, maong pants at bonnet.

Sa report ni Police Supt. Joel A. Villanueva, hepe ng Batasan Police Station (PS6), naganap ang pananambang sa likod ng Commonwealth Market, pasado 6:00 ng umaga kahapon.

Sa pahayag sa pulisya ng saksi, ‘di pinangalanan, kabubukas lamang niya ng tindahan at nasilayang pinagbabaril ng armado si Leomo.

Inatasan ni Esquivel ang CIDU na imbestigahan ang insidente at ang mga kahalintulad na pangyayari sa nasabing lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.