R32K ‘shabu’ sa nakabangga

Balita - - Balita - Orly L. Barcala

Nasa P32,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang pintor nang mabangga ng motorsiklo nito ang isang bisikleta sa Caloocan City, kamakalawa.

Sa ulat kay Police Supt. Ferdie Del Rosario, Deputy Chief of Police for Administration (DECOPA), kinilala ang suspek na si Peld Suarez, 30, nakatira sa Dagat-Dagatan, Laloma, Barangay 178, Camarin sa nasabing lungsod.

Sa report, lulan si Suarez sa kanyang motorsiklo (8776-DB) at pagsapit sa kahabaan ng Camarin Road, Saint Joseph Avenue, Bgy. 178, Camarin, nasagi niya si Isiah Cosetana na sakay sa bisekleta, dakong 8:30 ng gabi.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit ng Caloocan Police, sa pamumuno ni Police Senior Insp. Elany G. Villangca, at nakita ang pangyayari.

Hinanapan ng driver’s license si Suarez at sinuri ang laman ng sling bag, na naglalaman ng P2,800 cash at apat na pakete ng umano’y shabu, na may bigat na 10 gramo.

Idiniretso sa presinto ang suspek at nahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injury, paglabag sa Article 151, at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.