Balita

3 nasagip sa Sulu Sea

- Beth Camia

Nasagip ng mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong seaweed farmer na naunang naiulat na nawawala sa Sulu Sea na bisinidad ng Celebes sea.

Kinilala ang mga ito na sina Bakri Nuli,30, ng Sitangkai, Tawi-Tawi; Michael Suwaib, 35; at Al Mujer Anim, 18, kapwa taga- Isabela, Basilan.

Ayon sa tatlong nakaligtas, umalis sila sa Bongao, Tawi-Tawi papuntang Sitangkai, gamit ang isang bangk, noong Disyembre 22 ng gabi.

Nagkaabery­a umano ang kanilang bangka hanggang sa ngpalutang-lutang sa loob ng ilang araw.

Nasagip lamang ang tatlo nang mamataan sila ng mga tripulante ng isang fishing boat na agad na nag-report sa PCG.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines