Balita

Mindanao, binaha

- Armando B. Fenequito, Jr.

DAVAO CITY – Apektado ngayon ng umiiral na low pressure area (LPA) ang tinatayang aabot sa 23,000 residente sa Region 11 dahil na rin sa dulot nitong pagbaha at landslide.

Sa datos ng Office of the Civil Defense (OCD)-Region 11, binanggit na kabilang sa mga pamilyang naapektuha­n ng sama ng panahon ay mula sa anim na bayan ng Compostela Valley, Davao del Norte at Davao Oriental.

Sa Davao del Norte, tanging ang munisipali­dad lamang ng Asuncion ang apektado kung saan aabot sa 4,45o pamilya ang pinalikas sa ligtas na lugar.

Apektado rin ang 134 pamilya sa bayan ng Nabunutran, Laak, Monkayo at Compostela.

Habang aabot lamang sa 10 na pamilya ang naapektuha­n sa Davao Oriental na inilikas na sa mga pampubliko­ng paaralan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines