Graft vs ex-CdeO solon, pinagtibay

Balita - - Probinsya - Czarina Nicole O. Ong

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang kanilang desisyong hindi ibasura ang kasong graft na kinakaharap ni dating Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula kaugnay ng maling paggamit ng P3 milyong nakalaan sana sa pagbili ng pataba, noong 2003.

Ito ay nang ibasura ng anti-graft court ang isinampa nitong urgent motion for reconsideration, kamakailan.

Sa kanyang mosyon, binigyang-diin ni Jaraula na nagkamali umano ang korte sa pagkalkula sa tagal ng pagkabalam ng kaso mula nang maisampa ng Office of the Ombudsman-Task Force Abono ang ang reklamo, noong Agosto 4, 2014.

Hiniling din nito sa hukuman na suspendihin muna ang proceedings hangga’t hindi pa natatapos ang reinvestigation sa mga kaso nito.

Gayunman, hindi nito nakumbinsi ang hukuman na nagsabing ang panahon ng pagkabalam ay dapat magsisimula sa pagsasagawa ng preliminary investigation at hindi sa pagsisimula ng fact-finding investigation.

"While justice is administered with dispatch, the essential ingredient is orderly, expeditious and not mere speed. It cannot be definitely said how long is too long in a system where justice is supposed to be swift, but deliberate. It is consistent with delays and depends upon circumstances," ayon pa sa ruling ng korte na pinagbatayan anng inilabas na ruling ng Korte Suprema sa kasong Cagang vs. Sandiganbayan.

Nag-ugat ang kaso nang paboran ni Jaraula ang non-government organization na Philippine Socialo Development Foundation, Inc., sa pamamagitan ng pagpirma ng memorandum of agreement sa kabila ng kakulangan nito ng papeles para sa implementasyon ng pagbili ng pataba na aabot sa P3 milyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.