Balita

3 ‘tirador’ tiklo

- Leandro Alborote

TARLAC CITY – Dinampot ng mga awtoridad ang tatlong umano’y magnanakaw sa Tarlac-Pangasinan-La Union expressway (TPLEX) nang maaktuhan silang bumibiktim­a sa isang motorista sa Barangay San Pascual, Tarlac City, kamakalawa ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinilala ni SPO3 Michael De Leon, may hawak ng kaso, na sina Nino Macapagal, 39, ng Bgy. San Francisco; Nilo Nolasco, 44, at Renante Bitco, 37, ng Bgy. Tabun, Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay Dennis Corbillon ng highway patrol group ng TPLEX, kasalukuya­n silang nagpapatru­lya sa nasabing lugar nang mamataan nila ang mga ito na tinatangay ang dalawang gulong ng truck na nagresulta sa kanilang pagkaarest­o.

Narekober sa mga ito ang ninakaw na dalawang gulong, mechanical tools, cash money (P3,362.00), at dalawang cellular phones.

Ang mga ninakaw ay mula sa truck na minamaneho ni Jar-R Fenis, 31, ng Sta. Maria, Bulacan, na ipinarada lamang sa bahagi ng kalsada, upang makapagpah­inga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines